NANG minsang kausapin nang masinsinan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang anak na si Nate, bigla na lang daw itong umiyak sa kanyang harapan.
Sigurado raw ang singer-actress-TV host na inaatake na rin ng kalunglutan ang nag-iisang anak nila ni Ogie Alcasid dahil mag-iisang taon na silang nasa bahay lang dulot ng COVID-19 pandemic.
Kuwento ni Regine, noong mga unang buwan ng lockdown at community quarantine ay enjoy na enjoy naman si Nate dahil nga halos araw-araw silang magkakasama at nagba-bonding sa bahay.
“Natuwa siya sa online school kasi hindi siya kailangang mag-ayos, tapos habang nag-i-school, kumakain siya. Tapos magkakasama lang kami lagi,” chika ng Songbird sa isang panayam.
“But then this year he started to realize that ‘I’m still home and it has been a year. I haven’t seen my cousins.’ Kasi, he is very, very close to his cousins and we are all saying to him the reasons why you are feeling the blues.
“Sinasabi namin sa kanya, it is because you are growing up, you are becoming more aware and medyo napi-pressure din siya sa school niya ngayon,” patuloy na kuwento ng misis ni Ogie.
Kaya naman nagpaala rin si Regine sa lahat ng parents na tulad nila ni Ogie na mahalagang maipaliwanag nang maayos sa mga bata ang epekto ng health crisis.
“Gusto ko nga sabihin sa mga magulang natin out there na maybe you guys can talk to your children kasi baka hindi lang natin alam.
“Kasi ako nahuli ko lang siya ‘what’s wrong, what’s happening?’ then he started crying. Apparently two weeks before that, he’s been crying and he doesn’t understand what’s happening so I had to explain to him, ‘this is sadness.’
“Maraming beses, kasi ang pep talk hindi gumagana ng one time, big time lang. Kailangan makulit ka, you have to keep reminding them,” esplika ng Songbird.
Sa nakaraang virtual presscon nga ni Regine para sa digital Valentine concert niya sa Feb. 14 na “Freedom” (via KTX.ph) sinabi niyang mas tinututukan nila ngayon ang bawat activities ni Nate para hindi maapektuhan ng kanegahan ang kanyang mental health.
Samantala, ipinaliwanag naman ni Regine kung bakit “Freedom” ang title ng kanyang concert, “Ang freedom kasi maraming meaning ngayon. We want to be free, we want to go out.
“Me personally, I want to be free from my anxiety and my fear. Musically naman, one of the reasons I called it ‘Freedom’ is I want to be free sa expectations ng mga tao.
“Sana po babaan natin ang expectation natin in this concert para ma-surprise ko pa sila,” natatawang biro ng OPM icon.
Isa naman sa mga life lesson na ibinahagi niya sa mga Pinoy na kanyang natutunan sa gitna ng pandemya, “We were all too busy with so many things, with social media, with our work, ang dami-dami nating iniisip and somehow we forget the most important thing which is our relationships.
“You will realize that material things really are just material things. Ngayon napatunayan natin na pinakamahalaga pa rin ang pamilya at ang pagmamahal natin sa ating kapwa,” mensahe pa ni Regine.
The post Regine nalamang may pinagdaraanan si Nate: ‘What’s wrong, what’s happening?’ Then he started crying appeared first on Bandera.
0 Comments