PARA makabawi sa mga BLINK fans, namigay ng 1,000 ticket ang Globe para sa inaabangang “The Show” concert ng Blackpink sa Jan. 31.
Ito’y para sa mga Pinoy supporters ng record-breaking K-pop quartet na dalawang oras naghintay sa inihandang kick-off event ng nasabing telecommunications company nitong nagdaang Biyernes.
Naghanda ang Globe ng bonggang drone display sa Bonifacio Global City para sa kick-off ng “The Show”, ang kauna-unahan ngang livestream concert ng Blackpink na official brand ambassador na nga ngayon ng nasabing telco brand.
Layunin nitong “i-reinvent ang mundo” ng milyun-milyong BLINK fans sa pagdaraos ng “The Opening Act,” isang serye ng sky light display gamit ang drones.
Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng technical glitches 30 minuto bago ang show. Nagsimula umanong mag-fluctuate ang signals hanggang sa limang drones na nga ang nawalan ng GPS signal hanggang sa lahat na ng 20 drones ang ayaw nang mag-function.
Nang isa-isang mawalan ng GPS at satellite signals ang drones, napilitan na ang mga organizer na kanselahin ang show.
“The drones did not normalize and finally lost GPS and satellite signals one by one. The show team was forced to break the program into sequences and attempted to troubleshoot and regain access to the signals,” ayon sa pahayag ng organizers.
“But despite repeated and diligent attempts to reboot the drone systems and stabilize drone signal strength, it did not succeed. The team was forced to end the stream at 8:25 PM, leading to the show’s cancellation.
“The technical report indicated signal jamming as the most likely cause of the drones’ inability to take flight. The jamming targeted the GPS signal of the drones.”
Ayon pa sa official statement ng organizers, “Due to circumstances that are beyond our control, we will need to shift our gears and reschedule The Opening Act to a later date. To express our appreciation for all of you who stayed with us tonight, we will be giving away 1000 The Show tickets so you can catch the girls live on January 31.”
Marami namang natuwang fans ang nag-post sa social media matapos i-announce ang pamimigay ng libreng tickets matapos ang naunsyaming event.
Sey ng isang fan, “I love this partnership because it clearly shows how Globe loves and adores the pinks and blinks! We really are the most spoiled fandom here!”
Sabi naman ng isang netizen, “This collaboration makes us feel closer to them! I love seeing them onstage and make us Blinks happy.”
Samantala, ngayon pa lang ay super excited na ngang maki-party ang mga fans ng nasabing K-Pop group sa kanilang first ever livestream concert, kabilang na ang mga sikat na celebrities na baliw na baliw din sa Blackpink.
The post Pinoy fans ng Blackpink nabigyan ng libreng ticket sa ‘The Show’ appeared first on Bandera.
0 Comments