Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Pelikulang ‘Anak ng Macho Dancer’ gagawin ding concert ngayong taon

Ang The Godfather Productions producer na si Joed Serrano ang nag-presyo ng P690 sa bawa’t ticket ng “Anak ng Macho Dancer” na mabibili sa KTX.ph dahil naniniwala siyang panonoorin ito ng marami na tama naman dahil maraming inquiries mula sa ibang bansa.

Kaya ang saya-saya ni Joed sa ginanap na presscon ng “Anak ng Macho Dancer” sa Annabels nitong Huwebes ng gabi dahil bukod sa kaarawan niya ay nalaman niyang maganda ang benta ng ticket sa KTX.ph

Aniya, “Alam n’yo, walang halong echos malakas ang benta pero mas marami ang complain na hindi sa price kundi sa ‘yung step by step sa pag rehistro sa KTX, (at maraming nag-agree na mahirap mag-register). Actually ako rin, imagine ako ‘yung producer hindi pa ako nakakabili (tickets). Nagta-try ako, ibinabalik ako sa step 1, kaya nainis na ako.

“Naisip ko ‘yung Ticketworld at Ticketnet kasi mas madali ro’n.  Kung wala kang credit card, at hindi ka sanay sa gadget punta ka sa Araneta (Coliseum), pay 690 and you get ticket, madali. Pero nagulat ako at natuwa kasi tinanggap ako ng KTX nga for this.”

At dito inaming, “mas marami sa ibang bansa, maybe because the 690 price is maliit lang pag kinonvert mo into dollars it’s like $40.  So sa mga Pilipino, well marami namang mayaman din talaga.  Wala namang nag-complain, mayroon lang isa kasi isang week na bigas na raw nila ‘yun (P690). Pero kung iisipin natin, ang ganda ng pelikula at hindi ninyo iisipin ‘yung 690.”

Aware ba na naka-abang ang mga pirata since sa online ito ipalalabas tulad ng mga nangyari sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2020 entries na unang araw palang ay napirata na tulad ng Fan Girl, Mang Kepweng at The Boy Foretold by the Stars.

Mula sa Facebook page ng Godfather Productions

“Mahirap ang buhay pero mas mahirap ang gumawa ng mali, alam n’yo nang mali gagawin nyo pa?  C’mon, karma-karma.  There’s no excuse na ay maliit lang itong gagawin ko, magpa-pirate ako.  Walang maliit o malaking kasalanan.  Kasalanan is kasalanan,” diin pa ni Joed.

May fingerprinting daw sa KTX kaya malalaman kaagad kung sino ang mga mamimirata at siniguradong mapapahiya sila dahil mati-trace.

Ang “Anak ng Macho Dancer” ay pinagbibidahan nina Sean De Guzman, Charles Nathan, Mhack Morales, Miko Pasamonte, at Ricky Gumera.

At sa tanong kung paano ire-rate ni Joe ang mga nabanggit in terms of acting?

“Sean, walang duda because he’s been in the business for quite sometime.

“Pero ang revelation, si Ricky. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, siya ang revelation. Why? No acting experiences, pero ang mata niya, kahit si direk Joel, napansin din talaga.

“But ‘yung acting niya, swabeng-swabe, swak na swak sa character. I think he’s the next star to watch out for aside from Sean.

“Si Charles naman daw ay mapapansin dahil sa ganda ng kutis at mukha. Siya talaga ‘yung matinee idol.

“Si Miko naman ay hindi mawawalan ng trabaho dahil aktor na rin ito, gayundin si Mhack.

“But the stars to watch out for, that’s Sean, Ricky and Charles, ‘yan ang laban ng taong ito,” pahayag ni Joed.

Mapapanood ang “Anak ng Macho Dancer” sa Enero 30 sa KTX.ph mula sa direksyon ni Joel Lamangan.  Kasama rin sa pelikula sina Jacklyn Jose, Rosanna Roces, Emilio Garcia, Elora Espano, John David Schon, Jay Manalo at Allan Paule.

Samantala, nabanggit ni Joed na ang part 2 ng pelikula ay mangyayari thru concert na gaganapin sa Araneta Coliseum na inaayos na niya kung kailan.

The post Pelikulang ‘Anak ng Macho Dancer’ gagawin ding concert ngayong taon appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments