Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Megan, Mikael nilayasan na ang tinitirhang condo; hindi rin itinuloy ang ‘promdi life’

TULUYAN na ngang iniwan ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez ang tinitirhang condo unit na naging unang “love nest” nila bilang mag-asawa.

Last year pa nagbabalak sina Mikael at Megan na lumipat ng bahay at ang una nga nilang plano ay manirahan muna sa Subic, Zambales (hometown ng Kapuso actress) subukan naman ang buhay-promdi.

Sa katunayan, nitong nagdaang holiday season nagdesisyon ang celebrity couple na mag-stay ng ilang linggo sa Subic at doon nila nadiskubre na hindi pa ito ang tamang panahon para karirin ang provincial life.

Marami pa raw kasi silang dapat ipaayos at ipa-renovate sa property nila sa Subic kaya mukhang matatagalan pa ang kanilang promdi life.

Pero ibinalita nga ng mag-asawa na tuloy na ang kanilang paglipat sa bago nilang bahay. Ipinakita pa nila sa kanilang social media followers ang iiwanang condo unit na wala nang mga gamit.

Caption ni Mikael sa kanyang IG post, “Our move out is 95% complete with several days to spare! We planned super early and made sure to not overwork ourselves during each moving day.

“We ended up with a happy pace and now it’s time to properly settle in our new home which is a maze of boxes and garbage bags. Cheers to a super fresh start in 2021,” sey pa ng Kapuso actor.

Sa IG photo naman ni Megan ito ang nakasulat na caption, “Aaaaand we’re outta here!!! So sad to be leaving this place because it was our first home as husband and wife but I’m happy we are moving to a place that we can finally call our own.

“We decided to make it a chill move and started two weeks ago so that we wouldn’t get stressed with our move. That was probably the best decision we made for this transition. Can’t wait to fix up our new place! And can’t wait to declutter!!” aniya pa.

Ang paglipat ng mag-asawa ay kasabay din ng pagse-celebrate ng kanilang ng first wedding anniversary ngayong buwan.

Kung matatandaan, dalawang beses silang ikinasal last year — una ay noong Jan. 10, 2020 sa Caleruega sa Batangas at noong Jan. 25, 2020 sa Subic, Zambales.

The post Megan, Mikael nilayasan na ang tinitirhang condo; hindi rin itinuloy ang ‘promdi life’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments