Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Meg tawa nang tawa habang kinukunan ang pakilig na eksena nila ni Arvic Tan sa ‘Sana All’

SA wakas, maipalalabas na rin ang romantic film na “Sana All” nina Meg Imperial at Arvic Tan, mula sa Viva Films at BluArt Productions.

Nakatakda sana itong ipalabas noong March 25, 2020, pero dahil sa pandemic ay hindi nga ito natuloy. Kaya naman tuwang-tuwa ang buong production nang i-announce ng Viva na showing na ang “Sana All” sa Feb. 5 in selected cinemas nationwide.

“To be honest, kinabahan pa rin po ako kasi hindi pa talaga fully recovered ang lahat from the pandemic pero excited din at the same time na maipakita itong movie namin sa mga tao,” sey ni Meg sa virtual conference para sa “Sana All.

“Sana this film will give them entertainment sa mga ganitong panahon na kailangan nating malibang para malayo naman tayo sa mga negative na nangyayari sa atin ngayon.

“Sana itong movie na ito ay mapasaya sila at makapagbigay din ng hope and some positivity while going through hardship during pandemic,” chika pa ng aktres.

Inamin ni Meg na medyo nahirapan siyang makatrabaho ang leading man niyang si Arvic dahil kaibigan niya raw ito sa totoong buhay at medyo awkward na naging magka-loveteam sila sa movie.

“Actually, ang hirap nu’ng nagsisimula kami kasi magkaibigan po kami, so kapag nagkakatinginan kami ni Arvic natatawa ako bigla. Ganu’n po talaga pa magkaibigan tapos nagkatrabaho kayo as loveteam and yon po talaga yung struggle doon.

“Kahit ano pong tingin ko kay Arvic natatawa talaga ako. Kasi alam namin as friends talaga. Actually we get to bond as love lteam and pinag-uusapan naman namin and our director helped us also na maipakita namin yung chemistry together,” pag-amin ng dalaga.

Mapapanood sa “Sana All” ang Adams, isa sa mga nakaaakit na lugar sa Ilocos Norte, at ang tapuey na isang uri naman ng alak.

Gagampanan ni Meg dito ang karakter ni Iyam, apo ni Lola Ingga (Lita Loresca), ang itinuturing na alamat sa paggawa ng tapuey sa bayan ng Adams.

Si Iyam ang magpapatuloy ng kanilang negosyo ngunit hindi pasado kay Lola Ingga ang kanyang ginagawang tapuey. Ayon kay lola, kulang ito ng mahalagang sangkap, at iyon ay ang “passion”.

Nakagawa na si Iyam noon ng matamis na tapuey kaya naniniwala sina Lola Ingga at Timo (Pio Balbuena), pinsan ni Iyam, na manunumbalik ang kanyang passion kung ito ay magkakaroon ng love life.  Hindi naman ito papansinin ni Iyam.

Si Arvic naman ay gumaganap bilang si Syd, taga-Manila na naghahanap ng pinakamatamis na tapuey. Kasama ng kanyang kaibigang si Joan (Andrew Muhlach), sila ay mapapadpad sa Adams kung saan makikita niya muli si Iyam. Unang nagkakilala ang dalawa sa La Union kasama sina Timo at Joan.

Nagkaroon ng sigla ang buhay ni Iyam sa pagdating ni Syd, at ikinatuwa naman ito nina Lola Ingga at Timo. Ngunit habang nagsisimula pa lang na tumaya si Iyam sa pag-ibig, matutuklasan niya na may iba pang motibo si Syd sa panliligaw sa kanya.

Ang “Sana All” ay mula sa direkyson ni Bona Fajardo na siya ring gumawa ng “My Bakit List” (2019), “Hanggang Kailan” (2019), “Kahit Ayaw Mo Na” (2018), and “I Found My Heart in Santa Fe” (2017), mga pelikulang nagpapakita ng magagandang lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Nahikayat si Meg na gawin ang pelikulang ito para matuklasan ang ganda ng Adams at matutunan ang kultura ng mga tagarito. Masaya rin siyang muling makatrabaho si Arvic matapos ang maraming taon.  Nagkasama sila noong 2011 sa teleseryeng “Bagets: Just Got Lucky” sa TV5, at noong 2013 sa pelikulang “Menor de Edad”, ang launching movie ni Meg.

Palabas na ang “Sana All” sa mga sinehan (sakop ng mga lugar na maluwag ang community quarantine) sa Peb. 5, 2021 at sa Vivamax.

The post Meg tawa nang tawa habang kinukunan ang pakilig na eksena nila ni Arvic Tan sa ‘Sana All’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments