Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Lovely Abella, Benj Manalo ikinasal na; pero na-bash dahil sa regalong wedding gown ni Kathryn

IKINASAL na ang Kapuso actress-dancer na si Lovely Abella sa aktor na si Benj Manalo, isa sa mga anak ng TV host-comedian na si Jose Manalo.

Ibinandera ng “Bubble Gang” star sa kanyang Instagram account ngayong araw ang ilang litrato na kuha sa garden wedding nila ni Benj na ginanap kahapon sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City.

“Mr. And Mrs. Manalo…” ang maikling caption ni Lovely sa mga wedding photo nila ni Benj kalakip ang isang heart emoji.

Bumaha naman ng pagbati mula sa mga netizens at mga kaibigan nila sa showbiz, kabilang na riyan ang mga kasamahan niya sa kapuso gag show na “Bubble Gang.”

Pinusuan at nag-congratulate sa bagong kasal sina Marian Rivera, Carla Abellana, Iza Calzado, Barbie Forteza, Rodjun Cruz, Rita Daniela, Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro at Arny Ross.

Dalawang beses nag-propose si Benj kay Lovely, una ay sa isang surprise wedding proposal na ginanap sa isang fake music video shoot noong June, 2019.

Sinundan ito nito lang Jan. 1, 2021 kung saan muli niyang ibinandera ang pagmamahal kay Lovely. “Nag-propose” rin siya sa anak ng aktres na si Crisha Kaye.

Sa isang interview, sinabi ng dalawa na una nilang binalak na magpakasal noong October, 2020 ngunit hindi na nga nila itinuloy dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

* * *
Samantala, kanina lang ay nag-post ng mahabang mensahe si Lovely tungkol sa kanyang wedding gown na regalo sa kanya ng kaibigang si Kathryn Bernardo.

Naging close sila ni Kath nang gawin nila ang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 kasama si Alden Richards.

Sa kanyang post, sinabi ng komedyana na nasaktan siya sa pinagsasabi sa kanya ng ilang bashers at kinuwestiyon kung bakit  tinanggap niya ang regalo ni Kathryn.

“Heto muna ang ipopost ko, before anything else…Grabe pala ang bashers noh? Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga.

“Bago ako magsimula sa industriya di ko pinangarap ang sumikat, pinangrap kong buhayin ang anak ko at pamilya ko dahil breadwinner ako, sadyang mabait nga talaga siguro ako tulad ng sinasabi ng iba kasi lahat ng mababait na tao nakakasama ko.

“Siguro hindi ko hinayaang itago kung ano ang pagkatao ko, No filter ako sabi nga nila, kung ano ang ugali ko yun ang totoo kahit sa mga VLOGS namin kaya magsubscribe na din kayo.”

Mariin pang sabi ni Lovely, “Di ako marunong manggamit para lang bigyan, at higit sa lahat di maatim ng puso ko na manira ng Relasyon, dahil kahit ano pa mangyari (Kathniel) forever noh.

“Kahapon nung nakita ko sila kinilig ako salamat bal at my ga sa pgpunta.

“Okay heto na, mabait talaga si Kath saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang Napakagandang wedding Gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture, sabi ko My Ga wag na ako na.

“Pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na, di ko kailangan magpaliwanag sa inyo, pero gusto ko lang sabhin na tulad ninyo tao din kami, nasasaktan sa panghuhusga ninyo.

“Masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako, pero wag kayong ganun, di niyo alam ang mga kwento kaya wag kayong manghusga.

“Saksi ang aking mga kaibigan na sina @pernellagonzaga at @kelly.harris_ kung gaano ako inalagaan ni kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama ni si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin, salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath.

“Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot. Mahal kita kayo ni Bal.. #ManalonasiGa #benly,” huling hirit ni Lovely.

The post Lovely Abella, Benj Manalo ikinasal na; pero na-bash dahil sa regalong wedding gown ni Kathryn appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments