Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Laging paalala ni Karla sa mga anak: Walang taksil na nagtatagumpay

NANINIWALA ang TV host-actress na si Karla Estrada na hindi nagtatagumpay ang mga taong manloloko at two-timer pagdating sa pakikipagrelasyon.

Kaya ang palagi raw niyang paalala sa kanyang mga anak, lalo na kina Daniel at Carlito Padilla, maging tapat at totoo sa mga taong minamahal nila, kabilang na sa kanilang mga magulang.

Ayon kay Karla, ilan lamang ang mga katangiang ito sa mga itinuro niya sa mga anak na lalaki at sana’y isabuhay nila ito hanggang sa magkaroon na rin sila ng sariling pamilya.

Sa episode kanina ng “Magandang Buhay”, nabanggit ni Karla na bukod nga sa pagiging marespeto at maginoo, napakahalaga rin ng katapatan sa isang relasyon para tumagal ito nang bonggang-bongga.

“Ako kay Daniel at saka kay Carlito, ‘yung pagiging respectful at pagiging gentleman lalo na sa babae (ang palaging ipinapaalala).

“Kasi lagi kong sinasabi na walang taksil na nagtatagumpay,” chika pa ng aktres.

Bukod dito, hindi rin niya nakakalimutang sabihin sa mga anak na kahit anong mangyari palagi nilang alalahanin ang kanilang ina at mga kapatid.

Nauna rito, ibinandera rin ni Karla sa madlang pipol ang magagandang qualities na namana ng kanyang anak na si Daniel sa tatay nitong si Rommel Padilla.

Aniya, nakuha ni DJ kay Rommel ang pagiging maunawain at mapagmahal sa ina.

“Kita naman natin na talagang mapagbigay, understanding, at saka maka-ina. ‘Yun talaga ang nakuha,” pahayag ni Karla sa nakaraang episode ng kanilang morning show sa Kapamilya Channel.

“Nakita naman natin ang pagmamahal nina Robin at Rommel sa ina nila. Actually si DJ ganu’n din. But lahat naman ng anak ko,” dagdag pa niyang papuri sa mga anak.

Hirit pa niya, “At saka ‘yung pagiging gentleman, oo. ‘Yun talaga. At pagiging generous din. Dahil ‘yang si Omeng, sa kanya rin ako nag-umpisa at nakita ko rin na mapagbigay talaga siyang tao.”

In fairness, kitang-kita naman ang pagiging loyal ni DJ kay Kathryn Bernardo at ilang beses na rin niyang napatunayan sa dalaga ang pagiging tapat at totoo kaya kasal na lang talaga ang kulang sa tinaguriang King & Queen of Hearts.

The post Laging paalala ni Karla sa mga anak: Walang taksil na nagtatagumpay appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments