Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kyline goodbye junk, oily food ngayong 2021; Kristoffer puring-puri ng Kapuso stars

TITIGILAN na ni Kyline Alcantara ngayong 2021 ang ilan sa mga bad habits na nakasanayan niyang gawin nitong mga nakaraang taon.

Kabilang na nga riyan ang pagkain niya ng junk at oily foods na kadalasang rason kung bakit siya nagkakaroon ng acne.

Sa latest vlog ng Kapuso actress-singer, inamin niya na may pagkakataon na hindi niya maiwasang mag-stress-eating. Mas lumala pa raw ito nang mag-college na siya at panay ang pagpapa-deliver online ngayong panahon ng pandemya.

“Ako personally, nagkaka-pimples ako kapag kumakain ako ng oily food nga or fatty foods kaya isa ‘yan sa mga dapat #TuldukanNaYan ngayong 2021,” sey ng Kapuso actress.

Sa isang panayam, sinabi ni Kyline na naging struggle sa kanya ang pagkakaroon ng acne. Talagang tinatakpan daw niya ang mukha gamit ang kanyang buhok with matching concealer at foundation para hindi ito makita.

Dahil din dito nakaranas siya ng matinding pambu-bully ngunit aniya,  natuto na rin siyang tanggapin ang kanyang imperfections.

“Even though I have imperfections there, I am still confident with all my imperfections,” pahayag niya.

“I would start eating home-cooked meals dahil ‘yun ‘yung mga hindi ko masyadong nakain last year,” chika pa ni Kyline.

“Kaya naniniwala talaga ako na it’s always now or never. Kailangan nating malaman ‘yung mga bagay na dapat nating i-prioritize at ‘yung mga bagay na puwede namang ‘Mamaya na ‘yan’ dahil hindi naman siya priority,” sey ng dalaga.

Bukod dito nais na rin niyang maging consistent sa pagwo-workout.

* * *

Thankful ang cast ng “Babawiin Ko Ang Lahat” sa kanilang co-star na si Kristoffer Martin na naging susi diumano para mas maging matibay at close ang samahan nila sa lock-in taping sa Batangas.

Ayon sa bida ng serye na si Pauline Mendoza, nakita niya ang dedikasyon ng aktor sa kanyang trabaho.

Kuwento niya, “’Yung experience ko po with Kuya Tuntun, he’s an actor, very professional talaga siya sa craft niya and talagang dedicated siya sa lahat ng ginagawa niya. Hindi lang in real life, pati rin bilang magaling na aktor.”

Dagdag ni Pauline, “Happy ako kasi hindi lang kita nakilala bilang isang magaling na artista, nakilala rin kita on who you really are as a person.”

Agree naman dito ang kanilang mga kasama sa serye na sina Dave Bornea, Therese Malvar, Liezel Lopez, at Manolo Pedrosa dahil hindi raw pinaramdam ni Kristoffer na mas lamang siya sa kanila, kahit matagal na siya sa industriya.

Kamakailan ay inamin na rin ni Kristoffer na isa na siyang tatay.

Samantala, abangan ang nalalapit na pagsisimula ng “Babawiin Ko Ang Lahat” ngayong Pebrero sa GMA Afternoon Prime.

The post Kyline goodbye junk, oily food ngayong 2021; Kristoffer puring-puri ng Kapuso stars appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments