“Nakaka-frustrate I can go crazy,” ito ang pahayag ni Kylie Versoza sa usaping walang label ang relasyon ng dalawang taong mahal ang isa’t isa.
Ang latest digital series ni Kylie kasama sina Marco Gumabao at Xian Lim na “Parang Kayo Pero Hindi” ay isang Vivamax Original Series na mapapanood ngayong Pebrero 12 sa VIVAMAX. Mula ito sa direkyon ni RC Delos Reyes at sinulat ni Noreen Capili.
Sa ginanap na virtual mediacon ng nasabing series ay natanong ang dating beauty queen kung naranasan na niyang magkaroon ng relasyong hindi malinaw sa kung sila ba o hindi, iyong tinatawag na walang label.
“I think I’ve been in a relationship na parang magulo at nakakabaliw kapag hindi niyo alam kung ano ba kayo.
“So, para sa akin, very confusing, nakaka-frustrate. I can go crazy kapag hindi ko alam kung ano ba tayo kasi mas gusto ko na may concrete label. Yes, I’ve been through one, and I’ve learned from that,” pag-amin ng dalaga.
Sabi pa, “Pero parang naging kami naman, eventually. I think every relationship makes you learn and become a better person. Hindi ako magiging who I am today without that part of my life.”
Sunud-sunod ang projects ni Kylie sa Viva Films kaya maraming nagsabing paborito siya at siya na ang mukha ng mga pelikula ng movie outfit. Bukod sa series na “Parang Kayo Pero Hindi” ay may pelikula siyang “The Housemaid” at kakatapos lang din niya ng “The Ghost Adventure” at “Love The Way U Lie” noong 2020.
“Face of the movie? I guess I’m very honored, starting from becoming a beauty queen tapos actress, hindi siya madali dahil ang tingin sa ‘yo ng tao beauty queen.
“But, unti-unti kong sinusubukan na tanggalin yung image na ‘yon, ‘tapos ipapakita ko sana kung sino talaga si Kylie. Or in this case (sa pelikula), kung sino si Daphne.
“So feeling ko, masasabi ko naman na makikita niyo dito o sa mga susunod na ibang proyekto, iba sa Kylie na nakilala ninyo as Miss International. Sana ma-appreciate niyo siya,” say ng dalaga.
The post Kylie Versoza hindi pabor sa relasyong ‘Parang Kayo Pero Hindi’ appeared first on Bandera.
0 Comments