Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kuya Wil hiningan ng pera ng scammer: Nag-text sa akin, siya raw si Willie Revillame! Hello!!!

MULING nagbabala ang TV host-comedian na si Willie Revillame laban sa mga scammer na gumagamit sa pangalan niya para makapanloko ng mga inosenteng tao.

Sa kabila raw ng patuloy nilang pagbabanta sa mga sindikatong nambibiktima sa social media at sa pamamagitan ng tawag at text ay marami pa rin daw ang naloloko.

Ibinalita ng Kapuso comedian na mismong siya ay nakatanggap din ng text scam nitong nakaraang araw mula sa isang nagpakilalang “Willie Revillame.”

Sabi ng texter, birthday daw niya kaya nanghihingi ito ng P40 load sa kanya. Kaya naman tawang-tawa si Willie dahil mismong siya ay gusto pang biktimahin ng scammer.

“Mag-ingat kayo. Ngayon may nag-text sa amin, ako, tinext ako, siya raw si Willie Revillame! Nanghihingi ng P40, pang-load daw dahil birthday ko. Hello! Hindi ho ako hihingi ng kahit ano sa inyo!” muling paalala ng host ng “Wowowin: Tutok To Win”.

Patuloy pa niyang pahayag sa mga nakatutok sa kanyang programa, “Dito lang ho sa GMA 7, YouTube, Facebook, Twitter niyo lang malalaman ang totoo. Diyan lang kayo manonood at maniwala, wala nang iba pa.”

Muli, inulit ng komedyante na huwag na huwag maniniwala sa mga ganitong klase ng text gamit ang pangalan niya at ang “Wowowin”. Kapag daw nanghingi na ng pera ang texter, malamang sa malamang ay scam ito

“After po ng 6:30 (ng gabi), kapag may nanghingi sa inyo, hindi na po kami yan, scam na po yan. Dyusko naman, sa halagang 40 pesos…hihingi ba ako ng load sa inyo!?” napapailing pang sey ni Willie.

Samantala, bongga ang mga inihandang papremyo ni Willie para sa kanyang ika-60 kaarawan sa Miyerkules, Enero 27.

Mamimigay siya ng maraming cash prizes at isang brand new house and lot bilang pasasalamat sa lahat ng Kapuso viewers na patuloy na tumatangkilik sa kaniyang programa.

Kaugnay nito, nagsimula na rin ang “Pera o Kahon Text Promo” noong Jan. 15. Simple lang ang mechanics para sa mga gusto sumali rito. Mag-register lang ng isang beses via text. Ang bawat birthday greeting ay katumbas ng isang entry para sa electronic raffle na gaganapin sa mismong kaarawan niya.

The post Kuya Wil hiningan ng pera ng scammer: Nag-text sa akin, siya raw si Willie Revillame! Hello!!! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments