Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kapatid ni Robin na si Royette Padilla, pumanaw na

SAD face emoji ang sagot sa amin ng asawa ni Robin Padilla na si Mariel Padilla nang tanungin namin kung ano ang ikinamatay ng kuya ng aktor na si Royette Padilla.

Tinanong namin si Mariel ilang minuto ang nakalipas pagkatapos naming mabasa sa isang site na namayapa na nga si Royette ngayong Sabado.

Nagpadala kami ng mensahe sa manager ni Robin na si Betchay Vidanes pero hindi kami sinagot kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng dating aktor.

Hanggang sa may nagsabi sa amin na atake sa puso ang ikinamatay ni Royette na hindi na na-revive nitong umaga.

Hindi naman binanggit sa amin kung naitakbo sa hospital si Royette at kung saan.

Matatandaang noong Abril 23 ay namatay ang asawa ni Royette na si Jean Sheryll Padilla dahil sa brain cancer.

Nag-post ang kapatid na babae nina Robin na si Rebecca Padilla ng larawan ni Royette at asawang si Jean na ang caption ay, “Together now, in eternal peace and loving embrace of our Creator. Cheers Jane and Oyroro! Yakap. #eternallove.”

Pero nauna nang ipinost ni Rebecca ang, “Pls whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please.”

Mula sa BANDERA ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Royette Padilla.

 

The post Kapatid ni Robin na si Royette Padilla, pumanaw na appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments