Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Jeric, Klea magkasundo sa video game, motorbike; Carla, Mikael magkaiba ang hugot sa lock-in taping

EXCITED na ang viewers ng Kapuso drama series na “Love of My Life” na mapanood ang all-new episodes  simula ngayong Lunes (Jan. 18) sa GMA Telebabad.

Masasaksihan sa fresh episodes ang muling pagbangon ng pamilya Gonzales matapos ang pagpanaw ni Stefano (Tom Rodriguez). Unti-unti nang magkakaayos ang mag-inang sina Isabella (Coney Reyes) at Nikolai (Mikael Daez) habang malalaman na rin ang kahihinatnan ng love triangle sa pagitan nina Nikolai, Adele (Carla Abellana) at Kelly (Rhian Ramos).

Samantala, ibinahagi naman nina Carla at Mikael ang ilan sa kanilang karanasan sa lock-in taping ng kanilang serye.

Pag-amin ni Carla, nahirapan siyang bumalik sa kanyang character, “Getting back into character took like a taping day or two but everything else naman flowed freely and good.”

Taliwas naman sa Kapuso actress, mabilis na nakabalik sa kanyang character si Mikael dahil talagang na-enjoy niya ang ginagampanang role.

Aniya, “I got to know Nikolai very well at the very start and hindi ko siya nakalimutan because I enjoyed working with that character. I enjoyed working with the cast, with Carla, Rhian, Direk Don (Michael Perez), and the whole crew.”

Tutukan ang kapana-panabik na all-new episodes ng “Love of My Life” simula ngayong Jan. 18, 8:50 p.m., sa GMA.

* * *

Hindi rin dapat palampasin ng viewers ang mga kapana-panabik na mga eksena sa pagbabalik ng hit GMA Afternoon Prime series na “Magkaagaw” simula ngayong darating na Lunes.

Ayon sa lead stars ng serye na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scenes ang matutunghayan sa kanilang new episodes.

Kuwento ni Klea, “Marami silang dapat abangan. Base sa mga nakunan naming eksena, lahat halos puro heavy scenes.

“Mahirap kasi nanggaling kami sa bakante na seven months pero lahat ng effort at oras namin ay nilalagay namin sa show na ‘to. Para marami silang mapanood na eksena na talagang puno ng cliff hangers at challenges na mangyayari,” sabi ng dalaga.

Dagdag naman ni Jeric, “Ang masasabi ko lang is walang eksenang matatapon dito o masasayang sa ginawa namin kasi intense lahat. Nandito na tayo sa climax ng kuwento kaya dapat abangan nyo. ‘Wag n’yo palampasin.”

Matatandaan na naputol ang kuwento nang nasa panganib ang karakter ni Klea na si Clarisse pati ang kanyang inang si Laura (Sunshine Dizon). Lahat ito ay pakana ni Veron (Sheryl Cruz) para pagtakpan ang relasyon nila ni Jio (Jeric).

Muling balikan ang maiinit na eksena sa recap ng “Magkaagaw” na mapapanood na simula Jan. 18, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, sa isang panayam kay Jeric, natanong siya kung ano ang mga qualities na nagustuhan niya sa kanyang leading lady.

“Marami siyempre. Bukod sa maganda, matangkad, yung color niya morena, napaka-sweet ni Klea,” sabi ng binata.

“Marami kayong puwedeng pagkasunduan, marami kayong puwedeng pag-usapan, interesting, napaka-professional of course. Makikita ko yung determination and fire niya dito sa ginagawa namin,” dagdag pa niya.

Agree naman kay Jeric si Klea, “Tama siya, marami kaming napagkakasunduan, mapalaro man yan sa video games, simpleng bagay na ganu’n. Motorbikes, talagang nag-uusap kami.”

The post Jeric, Klea magkasundo sa video game, motorbike; Carla, Mikael magkaiba ang hugot sa lock-in taping appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments