Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

‘Birthsary’ paandar ni Kristine kay Oyo: Kahit anong anggulo, hindi maitatago ang kagwapuhan mo

SUPER espesyal ang araw na ito, Jan. 12, para sa celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto.

Bukod kasi sa 38th birthday ngayon ng aktor, nagse-celebrate rin sila ni Tintin ng kanilang 10th wedding anniversary.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ni Kristine ang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang asawa. Isang madamdaming “birthsary” message ang ipinost ng aktres kalakip ang video na naglalaman ng bonding moments nilang mag-asawa.

“Kahit anong anggolo, hindi maitatago ang kagwapuhan mo. Gaya ng kahit anong hamon ng buhay, hindi maitatago ang kabutihan ng puso mo — It’s a privilege to be celebrating your life on earth and our milestones together.

“The imperfect you & me, and our God who never cease to perfect us is what makes this marriage more exciting — I want to honor you my love for the man that you are in the Lord.

“God knew you were the exact person I needed in this fallen world. Thank God I did not miss. I love you my Vittorio! Cheers to having you and a lifetime together! Happy 10th Birthsary!!!” ang caption ni Tintin sa kanyang IG post.

Siyempre, hindi rin nagpahuli si Oyo sa paandar na pagbati ni misis. Nag-post din siya ng sweet message para kay Tintin sa kanyang IG.

Aniy, “Dekada. Maraming maraming salamat Panginoon! You have been faithful to us from the very beginning. Thank you for everything that you’ve done in my life.

“Happy 10th anniversary @khsotto! Ang bilis ng sampung taon. Maraming pag subok, maraming lungkot pero hindi mapapantayan ang saya at pagmamahal na binigay satin ng Panginoon. I love you Kristine.”

Ikinasal ang mag-asawa noong 2011 sa Club Balai Isabel sa Batangas. Biniyayaan sila ng apat na anak at nagdadalang-tao uli ngayon ang aktres sa ikalima nilang baby.

“Nag POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka faithful mo kahit kailan.

“God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever,” ang post ni Oyo sa IG nang malamang buntis uli ang asawa.

The post ‘Birthsary’ paandar ni Kristine kay Oyo: Kahit anong anggulo, hindi maitatago ang kagwapuhan mo appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments