Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Barbie maraming hugot matapos magin taping; tambalang MiKel ikinumpara sa sarap ng adobo

CHALLENGING man at nakakapanibago ang naging lock-in taping ng cast ng “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday,” nagpapasalamat pa rin ang Primetime Princess na si Barbie Forteza na naging maayos ito at natapos ng walang aberya.

Kuwento ng dalaga, inalagaan talaga sila nang husto ng management at aminado siyang mas napalapit ang loob niya sa co-stars niya dahil dito.

“Lahat kami nakauwi nang safe and healthy. And ang saya rin kasi kahit ang dami pang restrictions sa set, nagawa naman namin nang maayos.

“‘Yung bonding nandoon pa rin naman kahit na socially distanced kami sa isa’t isa. Nakakapag-chikahan pa rin naman kahit paano.

“Masayang-masaya ‘yung experience kasi na-miss namin magkita-kita lahat kasi bago mag-pandemic halos araw-araw magkakasama kami. Ang daming chikahan,” chika ni Barbie.

Dapat daw abangan ng viewers ang pagpapatuloy ng istorya ng kanilang mga karakter sa serye. Magiging mas kapana-panabik din ang mga eksena lalo na’t tumitindi ang love triangle sa pagitan nina Ginalyn (Barbie), Caitlyn (Kate Valdez), at Cocoy (Migo Adecer).

Napapanood na uli ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” sa GMA Telebabad, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “24 Oras.”

* * *

Parang adobong hinahanap-hanap at binabalik-balikan. Ganyan kung ilarawan ng viewers ang GMA Public Affairs fantasy-romance series na “The Lost Recipe” na gabi-gabing trending sa social media.

Patok sa panlasa ng manonood ang tambalang Mikee Quintos at Kelvin Miranda o MiKel na bida sa bagong putaheng ito ng GMA News TV. Simula noong pilot episode nito noong Lunes ay nasa top spot ng trending topics sa Twitter ang serye, patunay na may hatak ang chemistry nina Mikee at Kelvin bilang Apple at Harvey.

Ang ilang netizens nga, nagre-request na sa GMA News TV ng recap ng pilot week ng serye dahil gusto raw nila itong ulitin sa simula. Marami rin ang nagre-request na sana raw ay mai-upload na online ang episodes.

Lagi ring pinupuri ng viewers ang ganda ng cinematography ng serye at ang pag-feature sa mga pagkaing Pinoy tulad nga ng adobo. Nakatutuwa rin daw na dahil sa time travel element ng kuwento ay tila may field trip din sa panahon ng mga Kastila kung saan napadpad ang karakter ni Harvey.

Relate na relate rin ang mga aspiring chef sa kuwento ng “The Lost Recipe” habang ang ilan ay nagbibirong dapat daw busog ka kapag nanuod ka ng seryeng ito dahil nakakagutom ang mga eksena.

Marami pang dapat abangan sa serye dahil nagsisimula pa lang ang pagkukrus ng landas nina Apple at Harvey. Nariyan din ang karakter nina Paul Salas bilang BFF ni Apple na si Frank at Thea Tolentino bilang Ginger na mukhang magiging tinik sa buhay nina Apple.

Ang “The Lost Recipe” ay napapanood gabi-gabi sa GMA News TV.

The post Barbie maraming hugot matapos magin taping; tambalang MiKel ikinumpara sa sarap ng adobo appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments