MAPAPANOOD na sa TV5 simula sa Linggo, Enero 24, ang longest running Sunday noontime variety show ng Pilipinas na “ASAP Natin ‘To,” at ang “FPJ: Da King”.
Simula nang umere taong 1995, itinatampok ng “ASAP Natin ‘To” ang pinakamagagaling na performers para maghatid ng best concert experience.
At hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong naghahatid ng world class production numbers sa pangunguna nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez-Alcasid.
Bukod sa “ASAP Natin ‘To,” ieere din ng TV5 ang “FPJ: Da King” na nagtatampok sa mga pelikula ni “King of Philippine Movies” Fernando Poe, Jr., tuwing Linggo, 2 p.m..
“This collaboration between CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,” pahayag ni Robert Galang, president and CEO ng Cignal at TV5.
Aniya pa, “The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible.”
“We are pleased to welcome the ASAP family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5. The top-rated content, combined with Cignal and TV5’s strengths in technology, direct-to-consumer distribution, and mobile and broadband reach, will usher in a new viewing experience for fans and subscribers alike,” dagdag ni Galang.
“The future of entertainment media is rapidly converging around a dynamic mix of traditional and digital platforms, with Cignal and TV5 launching new content and synergies that will disrupt conventional broadcast methods.
“We are committed to continuously explore more initiatives to provide the best of both worlds to all our stakeholders,” aniya pa.
* * *
Matapos makansela ang weekly noontime show nila sa TV5, positibo pa rin ang pananaw ni Maja Salvador sa mga kaganapan sa kanyang career.
Isa ang programa nilang “Sunday Noontime Live” (SNL) kasama sina Piolo Pascual at Catriona Gray sa mga natanggal na show sa TV5 last week na ikinabigla nga ng buong production at manonood.
“Maraming salamat po sa inyong lahat na sumubaybay, sumuporta, at nakisaya sa amin sa isang buong season ng #SNL,” post ni Maja.
“Thank you very much Mr. M (Johnny Manahan) sa pagbuo ng show na ito para makapagbigay ng trabaho sa marami at makapagdulot ng saya sa lahat ng mga fans for the past 3 months!”
“#TeamLive Magkikita pa tayong muli!” dagdag pa ng aktres.
Ang tanong nga lang ay kung babalik na ba si Maja sa ABS-CBN o open ba siya kung sakaling magkaroon siya ng offer mula sa GMA 7?
The post ASAP, FPJ: Da King ng ABS-CBN mapapanood na sa TV5; Maja game kayang magtrabaho sa GMA? appeared first on Bandera.
0 Comments