Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Ara sa proposal ni Dave: Iba pala yung feeling…is this happening? Am I dreaming?

“PARANG makalutang ako, kasi kapag nanonood ako ng mga proposal videos, naiiyak talaga ako!”

Ito ang pahayag ni Ara Mina na hindi pa rin makapaniwala na engaged na siya kay Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.

Nagkuwento ang aktres pati na rin si Dave tungkol sa naganap na marriage proposal sa pamamagitan ng isang video na kinunan pagkatapos ng espesyal na sandali sa buhay ng engaged couple.

Kuwento ni Dave, dalawang beses na raw na-postpone ang kanyang proposal kay Ara, “I was planning last December kaya lang napakaraming ano, e, sobrang dami talagang nangyayari.

“So, sabi ko, nu’ng nalaman kong may lock-in taping siya, supposed to be January 8, tapos na-postpone.

“So, pinlano namin na, ‘Magrerehistro na tayo sa San Pedro, sama ka, magrerehistro na tayo tutal dun naman talaga tayo nakatira.’ Tapos hindi ganu’n kasimple, dapat mabilis lang lahat, e,” lahad ng future husband ni Ara.

Kuwento naman ng aktres, nagtataka raw siya kay Dave dahil bigla siyang sinabihan nito na magbihis nang pormal samantalang magpaparehistro lang naman sila sa city hall ng San Pedro, Laguna.

“Ito nga, ang plano lang talaga ay mag-register. Kaya lang, sabi ko sa bahay, ‘Bakit pinagdi-dress ako, ganu’n ba mag-ano, mag-register dun sa Laguna, kailangan formal?’ Kasi naka-jeans ako kanina,” lahad niya.

Mas lalo pa siyang nagduda at nakaramdam ng nerbiyos nang bumulaga sa kanya ang napakaraming bulaklak sa veranda ng city hall. Nakita rin niya ang anak na si Amanda Gabriel sa venue. Si Amanda ay anak ni Ara sa ex-partner na si Patrick Meneses.

Patuloy na kuwento ng aktres, “Tapos sabi niya, ‘Pumunta tayo du’n sa session to meet yung mga councilors,’ ganyan.

“Sabi ko, ‘Hindi ba nakakahiya, baka may session sila ngayon?’ Tapos pagpasok namin dito, parang wala namang session. Tapos akala ko nandito sila sa veranda kaya pumunta kami.

“Nagulat ako kung bakit may mga bulaklak, na-mental block na ako nung nakita ko ‘to. Hindi pa nagsi-sink in sa akin kasi, lalo na nung ipinakita niya sa akin yung ‘Will you marry me.’

“Parang nakalutang ako kasi pag nanonood lang ako ng mga proposal videos, naiiyak ako. Tapos iba pala ang feeling, tapos, ‘Is this happening? Am I dreaming?’

“Kasi parang ganu’n yung feeling. Tapos nakita ko yung anak ko. ‘So, planado pala ‘to?’” naluluha pang sabi ni Ara.

Samantala, inamin ni Dave na inatake rin siya ng matinding kaba nang tanungin na si Ara ng, “Will you marry me?”

dahil first time nga niya itong ginawa sa buong buhay niya kahit may isa na siyang anak sa dating karelasyon.

“Ninerbiyos ako, for the very first time, hindi ko naman nagawa itong ganito, e. So, this is my very first time,” aniya.

Mensahe pa ni Dave kay Ara, “I really hope na it will last forever. Yun lang naman ang ano ko, alagaan ko siya.

Alagaan niya rin ako. And alam ko, siya na. After all the experience ko sa buhay ko, alam ko, siya na.”

Sagot naman ni Ara, “Alam niya ano ang priority ko sa buhay ko, e.”

Singit na hirit ni Dave, “Ako na ang priority?” Na sinagot naman ni Ara ng, “Siyempre.”

Wala pang nabanggit sina Ara at Dave kung kailan ang eksaktong petsa ng kasal pero siguradong ngayong taon daw ito mangyayari.

The post Ara sa proposal ni Dave: Iba pala yung feeling…is this happening? Am I dreaming? appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments