Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Angel pinuri si contract tracing czar Magalong bilang opisyal na may ‘accountability at sense of honor’

Pinuri ni Angel Locsin ang ginawang pag-amin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isang pagkakamali na napahintulutan niya na magpatuloy ang isang birthday party sa kabila ng mga paglabag sa health protocols.

“Ang refreshing makita sa balita na may accountability at sense of honor ang isang opisyal para aminin ang pagkakamali,” ayon sa post ni Angel sa Instagram. “Kelangan natin ng mga ganito.”

Nagbitiw si Magalong bilang contact tracing czar ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) 11 araw matapos ang birthday bash ng social media celebrity na si Tim Yap sa The Manor sa Baguio City.

Kabilang si Magalong at ang kanyang asawang si Arlene sa mga bisita ni Yap. Kasama rin sa pagtitipon si KC Concepcion.

Hindi nakalampas sa mga mata ng netizen ang paglabag sa health protocols sa mga larawan ng party na umikot sa social media, kabilang na ang kawalan ng social distancing at hindi pagsusuot ng face mask.

Matindi ang naging kritisismo ng publiko kay Magalong dahil bilang contact tracing czar at Mayor ng Baguio City ay hindi dapat umano niyang pinahintulutan ang mga lantarang paglabag na ito.

Sa kanyang pagbibitiw, sinabi ni Magalong: “It pains me to see my family, and my constituents, in anguish over this but I am committed to hold myself accountable and do what is necessary to rectify this misstep.”

“Much as I have given my best to discharge my duties for the task force, this incident has been a reminder that a higher standard is always expected of me,” dagdag pa niya.

Hindi tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kayang liham ng pagbaba sa pwesto pero iginiit ni Mangalong na ang kanyang desisyong magbitiw ay “irrevocable.”

Para kay Angel, si Magalong ay “magaling” na lider.

“I know he’s all over the news lately, so, I just want to share our experience with him,” wika ni Angel.

Sinabi niya na nakasama niya sa isang “productive meeting” si Magalong noong nakaraang linggo kaugnay sa pagbabakuna laban sa Covid-19.

“He reminded us to wear our masks and face shields and to respect the locals by following safety protocols,” ani Angel.

“He also wore his mask the whole time. Just putting this here not to justify pero  para may ibang side naman,” wika pa ng pilantropong aktres.

Noong Huwebes, nagbayad sina Yap at KC ng tig-P1,500 na multa dahil sa paglabag sa lokal na batas sa quarantine ng Baguio City. Nagbayad naman ang asawa ni Magalong ng P1,000 multa.

Humingi rin sila ng paumahin sa publiko.

Samantala, P9,000 ang binayarang multa nag The Manor sa Camp John Hay dahil sa hindi nito pagpapatupad ng health protocols sa loob ng kanyang pasilidad.

 

The post Angel pinuri si contract tracing czar Magalong bilang opisyal na may ‘accountability at sense of honor’ appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments