Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Alex ibinandera ang kasal nila ni Mikee: We’re married! Finally, katabi ko na siyang matulog!

“WE’RE married!” ang titulo ng bagong vlog ni Alex-Gonzaga-Morada sa kanyang YouTube channel.

Itinapat ni Alex ang pag-aming kasal na sila ni Mikee Morada ngayong kaarawan niya at umaming noong Nobyembre pa raw sila ikinasal.

Kung matatandaan ay dapat Oktubre ang kasal nila pero hindi ito nangyari dahil pareho silang tinamaan ng COVID-19 kasama ang magulang niyang sina Daddy Bono at Mommy Pinty.

Ang pangarap nilang big wedding ay hindi rin nangyari dahil nga sa pandemya kaya sa bahay na lang nila isinagawa ang simpleng kasalan.

“Dito kami ikinasal, kasama ang family and parents namin. I’m very, very sorry netizens kung hindi ko nai-share sa inyo agad ang mga nangyari, it’s because we want to celebrate together as a family muna and siyempre ‘yung timing din dahil may pandemic. We wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate.

“Mister ko na itong mokong (sabay turo kay Mikee) na ito, ano masaya ka?” sabay tanong ni Alex sa mister niya.
Kaswal na sagot ni Mikee, “Masaya, masayang ikasal.”

“Ang saya guys, we’re happily married, finally katabi ko na siyang matulog (sabay kurot kay Mikee).  Finally, nakakatulog na siya sa kuwarto ko. Ipapakita ko naman talaga sa inyo soon kung ano talaga ang nangyari sa wedding namin.

“We want to thank our family kasi the moment we said na we want to get married, they’re all very supportive and lahat sila pumunta rito (immediate family sabi ni Mikee).

“This wedding is for our parents kasi siyempre ‘yung nangyayari ngayon it’s very uncertain hindi natin alam kung kailan matatapos ang pandemic siyempre gusto naming to seal the deal na nadito kaming lahat, nandito tayong lahat.

“Okay aminin ko na, gusto ko na kasi siya makatabi sa kama pero ayaw pa ng mommy’t daddy ko kaya sabi ko, ‘alam n’yo, ikasal na lang (kami).  Ngayon okay na, approved na nina Pinty at Bono kasi sa totoo lang nasa tamang edad na rin naman kami ni Mikee.

“At kahit nasa tamang edad kami kung ano ‘yung request ng magulang ko, iginalang ni Mikee.  At ngayon after ng first night namin, okay na, kasal na kami hayan (sabay pakita ng wedding ring nila pareho),” kuwento pa ng aktres-TV host.

May payo rin si Alex sa mga naghahanap pa ng kanilang “the one”, huwag daw mawalan ng pag-asa, “Alam n’yo there was a time in my life na ‘yung mga request ko kay Lord, akala ko hindi na ibibigay o imposible na maibigay sa akin.

“Pero you just have to wait for God’s perfect time, ibibigay niya talaga kung ano ‘yung in-request mo, eksakto, sabi ko gusto ko ng lalaking naka-cap (sabay tingin sa asawa), gusto ko nakasalamin, boy next door type, gusto ko parang daddy ko, eh. Ito Bono ng Lipa (City),” nakangiting kuwento ni Mrs. Morada.

Ayon naman kay Mikee, “Ako lumaki akong panganay so masaya ako na para akong kuya na pino-protektahan ko ang mga kapatid ko and siyempre sa aking partner na asawa na ngayon.”

Hirit ni Alex, “Ipapakita ko nga pala sa inyo kung paano ang set-up namin ni Mikee as newly-married couple.”

At dito nabanggit ng aktres na hindi pa sila totally nagsasama ng mister niya, “Weekends lang kami magkasama kasi may work siya sa Lipa (bilang konsehal). Grabe ito matulog laging nakadagan sa akin, gusto niya laging double deck kami. Ha-hahaha!” pambubuking ni Alex sa mister niya.

Mensahe pa ni Alex sa asawa, “When I met you, I was used to people always seeing the bad side in me, but when you came into my life, everyday you keep on making me feel that I’m a prized possession.  You made me feel like I’m a winner just being me and little by little I’m finding peace within myself.

“I love you and I’ve never been more sure that you’re in God’s blessing and answered prayer to me.  Tonight is the night, when two become one (tawanan ang lahat). Sana nakapag-prepare ka kasi talagang magkakalumpuhan tonight.  But in all honesty, I praise God and I thank Jesus for you because you made the little girl dream come true.”

Pangako naman ni Mikee sa kanyang misis, “Happy-happy ako na ikaw ang ibinigay sa akin ni Lord.  And I promised to take care of you gaya ng sinabi ko sa ‘yo nu’ng una kitang tinanong.  I promised to take care of you always and protect you, I love you and thank you for everything.”

May big wedding pang magaganap kapag wala ng pandemic, “Next year pag natuloy na ‘yung big wedding in God’s grace salamat at na-secure na nito (sabay turo sa singsing),” saad ni Mike.

“Ginawa namin ito dahil gustong irespeto ni Mike ang parents ko at parents niya, so I’m very happy also that we did that and we will see you on next year by God’s grace in a bigger wedding to celebrate,” pahayag ni Cathy Gonzaga-Morada.

Anyway, ngayon lang namin nalaman na idol talaga ni Alex ang kanyang ate na si Toni Gonzaga-Soriano dahil naka-cap din ang piniling mapangasawa. Hindi ba’t lagi ring naka-cap si Direk Paul Soriano?

The post Alex ibinandera ang kasal nila ni Mikee: We’re married! Finally, katabi ko na siyang matulog! appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments