Header Ads Widget

Ticker

6/recent/ticker-posts

Agot, Frankie, Enchong, Atom umalma sa biglang pagkansela sa kasunduan ng UP at DND

UMALMA na rin ang ilang kilalang celebrities sa pagpapawalang-bisa ng Department of National Defense (DND) sa agreement nito sa University of the Philippines (UP).

Kinondena ng mga ito ang unilateral termination ng DND sa kasunduan ng pagbabawal sa walang permisong pagpasok ng militar at pulisya sa mga UP campus sa buong bansa.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana (base sa letter na ipinadala kay UP President Danilo Concepcion) may ilang estudyante ng unibersidad  ang na-identify bilang miyembro umano ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA).

“National security and safety of UP student” ang dahilan ng pagpapawalang-bisa sa nasabing agreement, “in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP/NPA recruitment activities.”

At dahil dito, maaari nang magsagawa ng operasyon ang AFP at PNP anumang oras at pagkakataon sa loob ng UP campus.

Agad na kumontra rito ang mga celebrities na UP alumni kabilang na nga riyan sina Agot Isidro, Atom Araullo at Antoinette Jadaone.

Ni-repost ni Agot (graduate ng Interior Design sa UP Diliman) ang screenshot ng  liham ni DND Sec. Lorenzana kay UP President Concepcion na nilagyan niya ng tatlong pouting face emojis at may caption na, “Keep off U.P.”

Aniya pa sa isang tweet, “All Filipinos are guilty unless proven innocent,” kaya raw importante na ipagtanggol na ang kalayaan ngayon bago mahuli ang lahat.

Ni-retweet din ng singer-actress ang post ng SINAG (official student publication ng UP College of Social Sciences and Philosophy) kung saan ibinalita na hinarang umano ng mga security guard ng UP Diliman ang police mobile na nagtangkang pumasok sa campus.

Sabi ni Agot sa caption, “This is our U.P. Stay off our grounds. #DefendUP.” Ito’y matapos ding mabalita na nagsagawa nga ng protesta ang mga opisyal, faculty members at estudyante sa loob ng university.

Tweet naman ni Atom na nagtapos ng Bachelor of Science in Applied Physics sa UP Diliman,  “The DND should ask: why is the UP community troubled by the unilateral abrogation of the accord? Surely they don’t think all of the people there are communists.”

Kung matatandaan, nabiktima na rin ng red-tagging si Atom matapos mabalitang inuugnay siya sa grupo ng NPA.

Ni-retweet din ng direktor na si Antoinette Jadaone (mula sa UP Film Institute) ang post ng SINAG tungkol sa tangkang pagpasok ng isang police mobile sa UP Diliman. Nilagyan niya ito ng mensaheng, “UP guards” with matching raising hands emoji.

Sang-ayon din siya sa mga nagsabing “unsubstantiated claims” ang balita na may mga rebeldeng komunista sa UP.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon sa issue ang iba pang celebrities tungkol sa isyung ito tulad nina Frankie Pangilinan, Enchong Dee at Janine Gutierrez.

Isang netizen ang sinagot ni Enchong na nagtanong kung bakit daw takot na takot ang gobyerno sa UP. Sey ng aktor, “Because they are afraid of people starting a revolution (Philippine flag emoji). They’re in dire need to hold on to power and money as much as they can.”

Para naman kay Frankie, isang maliwanag na “red-tagging” ang ginawa ng DND sa mga UP students. Matapang na pahayag ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na pinatunayan lang daw ng hakbang na ito kung gaano ka-insecure ngayon ang pamahalaan.

“Red-tagging students just proves how insecure and threatened this administration has become. protect our students. defend our rights. be brave.

“Rhis sort of unprovoked desperation from the establishment only proves that change IS possible, and likely very close — continue to speak out and fight for what’s right. we stand with you. #DefendUP,” aniya pa.

Isang simpleng “DefendUP” din ang tweet ni Janine Gutierrez bilang pagpapakita ng suporta sa UP.

The post Agot, Frankie, Enchong, Atom umalma sa biglang pagkansela sa kasunduan ng UP at DND appeared first on Bandera.

Post a Comment

0 Comments