Patay ang isang 10-taong gulang na batang babae sa Italy matapos na sumali sa “blackout challenge” sa TikTok.
Namatay ang bata sa ospital sa Palermo sa siyudad ng Sicily matapos matagpuan ng kanyang limang taong kapatid sa kanilang paliguan, pati ang kanyang cellphone.
Iniimbistigahan na ng piskalya ang pagkamatay ng bata.
Samantala, pansamantalang blinock ng Italy ang mga user ng TikTok na hindi matiyak ang tunay ng gulang.
Ayon sa terms and conditions ng TikTok, isang popular na video-sharing network na pagmamay-ari ng Chinese company naByteDance, dapat ay hindi bababa sa 13 taong gulang ang user.
Nitong Biyernes, sinabi ng TikTok na wala itong makitang laman sa kanyang site na maaring magtulak sa bata para sumali sa naturang blackout challenge, pero nangakong makikipagtulungan sa awtoridad.
“The safety of the TikTok community is our absolute priority, for this motive we do not allow any content that encourages, promotes or glorifies behavior that could be dangerous,” wika ng tagapagsalita ng TikTok.
Sinabi naman ng Italian Data Protection Authority sa pahayag na iba-block nila ang “social media network” sa Pebrero 15 kung hindi matutugunan ang mga hinihingi ng regulator.
Nagbabala ang mga medical experts kaugnay sa challenge na nilalahukan ng mga kabataan, na tinatawag nilang “scarfing” o kaya ay “choking game” kung saan ang kakulangan ng oxygen sa utak ay nagreresulta ng pagka-high.
Sinabi ng magulang ng bata sa pahayagang La Repubblica na inamin umano ng isa pang anak na babae na ang biktima ay naglalaro ng “blackout game”.
“We didn’t know anything,” ayon sa ama ng bata.
“We didn’t know she was participating in this game. We knew that (our daughter) went on TikTok for dances, to look at videos. How could I imagine this atrocity?” dagdag pa niya.
Noong Disyembre, kinasuhan ng data protection agency ng Italy ang Tiktok dahil sa umano’y hindi nito pagbibigay-pansin sa proteksyon ng mga bata, kabilang na ang madaling pag sign up ng mga bata sa video app.
Ang Tiktok, na nagsimulang makilala sa mundo noong 2018, ay kinatutuwaan ng mga kabataan dahil sa mga maiikling sayaw dito, parody o comedy video.
Mula sa ulat ng Agence France-Presse
The post 10-taong batang babae patay sa Italy matapos sumali sa TikTok ‘blackout challenge’ appeared first on Bandera.
0 Comments